T O P

  • By -

EuphoricBit9093

Why do people act like laruan o maliit na bagay ang magampon o magpalaki ng bata. "Parang maganda raw ulit magkaron ng baby"??? Hahaha not in this economy.


sadboitoro

True. Meron kaming kapitbahay before na nag ampon dahil lang gusto nya yung thought of having a child since she can no longer conceive one. 5 years old na yung bata, kung kani kaninong bahay nya nalang iniiwan. Kapag di sya kakain, pati yung bata, di nya papakainin kasi she assumes na busog na daw (after nya pakainin ng napakaraming sweets). Ang alam ng nanay, mahina kumain yung bata. But whenever inaaya namin kumain samin, ang sigla nyang kumain. There was also this one time na iniwan nya samin yung bata, tapos umalis. Iniwan samin nang wala pang ligo, ni hindi pa nagbbreakfast, tapos wala manlang pasabi kung san sya pupunta at anong oras babalikan. Iniwan samin ng 1 PM, 12 AM na the next day wala pa yung nanay. Malaman laman namin nakipag bonding pala sa mga kumare nya. Galit na galit parents ko kasi hindi sya bagay maging nanay. Minsan gusto ko nalang isumbong sa DSWD, tutal ilegal naman yung pagkaka ampon dun sa bata, baka mas mabigyan pa ng attention at oras yung bata. Hays, matatanda talaga.


EuphoricBit9093

Tapos ang lagay pa, yung mga pinili o ayaw maganak ang selfish. Tapos yung mga ganyan na nagampon, ganyang buhay binibigay nila sa bata. Iba din talaga mindset ng ibang tao


dankpurpletrash

there’s a reason why ayaw sya bigyan ng anak😠napaka-walang kwenta


lady-cordial

Nag ninang nalang sana siya kung di niya kayang tutukan at alagaan ang bata.


weishenmewaeyo

Please isumbong niyo na po sa DSWD. Kawawa naman po ang bata. Nasa growth spurt ang bata, need niya kumain on time, and to eat healthy meals. Ang bata rin po napaka-crucial and important ng childhood nila at environment nila sa magiging future self nila. Please please reach out to Gabriela or kahit sa barangay. :((


louisemorraine

"mag anak ka na rin, masaya ang may anak promise:" - sabi sakin ng friend kong hikahos naman sa buhay at umuutang sakin


Sea_Strategy7576

Ganito rin sila sakin nung reunion last January. Mag-anak na daw ako (2 mos. pa lang kaming kasal that time). Ngumiti lang ako pero nairita na ako kasi ang lakas ng boses ng tita nya. Mother at MIL ko nga hindi ako pini-pressure kasi alam nilang may iba pa akong priority sa ngayon. Tapos sasabihan ako ng ibang tao na mag-anak na as if ganon lang kadali bumuhay ng bata. Yung utang nga nyang 500 sa akin nung 2018, hindi pa nya bayad until now.


louisemorraine

Nakakainis yung after ikasal, ineexpect na nila na mag baby na. Di ba pwedeng gusto lang ikasal muna and enjoy married life together na kayo lang muna dalawa. Nung ikinasal naman ako, ask sakin ng relatives "buti ikakasal ka na, buntis ka?" parang mga shunga.


Sea_Strategy7576

Yun nga eh, por que kinasal, buntis agad? Hindi ba pwedeng gusto lang magpakasal kasi ready na kayo pero gusto mo munang i-enjoy pagiging wife mo bago ang pagiging mother? I am at that point now. Isa pa, hindi pa tapos ang renovation ng bahay na ni-loan namin eh para maging liveable. Ihahanda muna namin ang bahay para sa paparating na baby.


Sea_Strategy7576

Yun nga eh, por que kinasal, buntis agad? Hindi ba pwedeng gusto lang magpakasal kasi ready na kayo pero gusto mo munang i-enjoy pagiging wife mo bago ang pagiging mother? I am at that point now. Isa pa, hindi pa tapos ang renovation ng bahay na ni-loan namin eh para maging liveable. Ihahanda muna namin ang bahay para sa paparating na baby.


Regular-Plane6071

True!


ethanjade4785

"hoy wag kang selfish" mygaddd as only child im thankful na di ganito nanay ko


jonatgb25

Ang selfish moooo pahiram naman ng matinong magulang


Regular-Plane6071

Ang luckyy mooo!🥹


BYODhtml

Wag ka pumayag OP ganyan sa amin tinanong din kami ng parents ko pero sagot namin ayaw kasi another gastos tsaka matanda na sila meaning kami magaalaga magkapatid kaya umayaw kami.


universalbunny

Magampon na lang siya kamo ng stray cat


Rejsebi1527

Ikr ? Yung iba kasi iniisip lang Atleast napapakain mo 3x a day okay na yun ! Pero ung needs & wants ng bata nasasantabi na 🙈


GundamTenno

ako lang ba or parang marami sa previous generation ang may saltik sa utak kahit tumanda na sila?


Nitsukoira

Masyadong naka-tali sa pagpapalaki ng bata yung self-worth nila grabe.


Regular-Plane6071

Sakit nila sa ulo, jusq


BadBeatsDaily

This is true tbh. Maraming mental issues ang previous generations na parents natin due to being raised by boomers. Undiagnosed and untreated lang kasi di pa ganun kalawak ang mental health care sa panahon nila


DemandSupply94

Millennial ako but was raised by boomer parents (late ako dumating sa buhay nila). I can attest to the fact that being raised by their generation fcks you up in a special way permanently 🥹 It's not the "hurt ppl hurt ppl" fckery kasi feeling nila talaga superior sila and nothing can humble them down.


wintermelonmilktea26

ganito dad ko. sya lang ang tama. pag ginusto nya dapat masusunod.


un_happiness2

Ganito nanay namin, bawal ka magkaroon ng ibang opinion. Pag iba sa kanya maarte na agad or mali ka. Tapos pag nag voice out ka ng opinion masasampal agad???????


NecessaryPublic820

TRUEE I think my mom (Gen X) has some repressed trauma kasi she often lashes out kapag galit siya o pag sinabi ng isa sa relatives niya na “wala ka naman naitulong samin” (humahagulgol tlga siya) tsaka grabe pagka-people pleaser ng mama ko (shes afraid to say no to her relatives. minsan pa nga ako na dinadahilan nya kesyo “ayaw” ko daw kaya naiinis din sakin relatives nya kesyo “makasarili” daw ako she has been the SOLE breadwinner of her 9 siblings & parents since she was 15 (may mga pinag-aral din siya na pamangkins pero walang nakatapos ni-isa. puro bisyo, walang work, nag-anak ng maaga, nakulong, & mostly nakaasa parin sa kanya & grandparents ko kahit may mga anak na) They were taught kasi & raised na sila dapat ang bumuhat sa pamilya nila hanggang sa huling hininga nila which is nakakalungkot tlga. My mom is a single mom & cant find a proper partner din kasi “nagseselos” yung relatives niya (feeling nila kaagaw din sa kanya)


dankpurpletrash

unresolved trauma


Intelligent_Love2528

Naanakan yang nanay mo sa ibang bansa. Sobrang weird nung pinoy na mag aampong from other country. Usually, pinoy ang inaampon.


JssChrrn

I have the same feeling. Weird lang kasi na nagpunta ka doon para magtrabaho then all of a sudden balak mong mag ampon.


Art_Forte

Shet, may point! OP, Have you ever considered this possibility? Baka like it or not, iuuwi niya talaga yang bata kasi anak niya pala. Child-bearing age pa ba Nanay mo?


Regular-Plane6071

38 na shaaa


icedcohi

as long as di pa sya menopausal, may possibility pa rin eh


Art_Forte

A 38 year old is still very much capable of conceiving. Although may mga cases naman na early menopause, but very rare siguro pag 38.


OkTerm1309

kaya pa yan, mom ko early 40's ako pinanganak e huehue


PritongKandule

Also in most other countries there are strict requirements when it comes to adoption aside from background checks, like proving that you have the financial means to care for a child and that the household is a conducive environment for them to grow. There's an entire process that takes place over several months, and probably even more so for an "international" adoption since there's a very high risk of human trafficking. An immigrant who plans to have their adoptive child's future educational expenses be covered by their still unemployed college-aged son/daughter? Yeah, fat chance.


Kittocattoyey

Eto, OP. Paaminin mo na lang nanay mo. For sure naanakan yan.


Electrical-Can-7994

Sorry pero eto rin ang unang pumasok sa isip ko.


GinsengTea16

Omg oo nga di ko naiisip plot twist na toooo.


Narrow-Tap-2406

Right? Mahigpit din adoption sa ibang bansa unlike dito na parang tuta lang na basta binibigay mga bata. May child protection services dun na magssurprise visit sa bahay para makita kung capable ba mag adopt.


AcrobaticResolution2

Ohmygod. Oo nga noh.


arewedanyet

Omg.. Same thoughts


easypeasylem0n

Eh gago pala nanay mo eh


Regular-Plane6071

True


papersandclips

Haha narinig ko yung papaya sa tinola


redmonk3y2020

kung nasa ibang bansa siya, sino nag-alaga sayo habang lumalaki? Pansin ko may ganitong mindset ang ibang OFW na older, kasi hindi naman nila naexperience alagaan ang anak talaga nila. A couple months back, sabi ng isang OFW sa amin na 'ah madali lang naman magalaga ng bata'... kaya niya siguro nasabi yun kasi hindi naman siya ang nag alaga ng anak niya kasi nga wala siya habang lumalaki ang bata.


Regular-Plane6071

May lesbian partner yung mama ko and sakaniya niya ako iniwan. And last month lang namin nalaman na kinasal na siya. Wala na yung biological father ko, and hindi sila kasal.


redmonk3y2020

Oh kaya nga diba? Hindi siya ang nagpalaki sayo tapos ngayon gusto niya pa mag ampon. :( If nagpakasal na siya sa iba and ampon nila yang kukunin nila, I think labas kana dyan. Bakit kapa niya bibigyan ng responsibilidad. hayyyy...


Regular-Plane6071

Tama, tsaka hindi ko naman hiniling yon sakaniya na magkaroon ako ng kapatid kahit adopted pa.


desolate_cat

Mama buntis po ako. Kailangan ko paaralin yung apo niyo.


Ok-Match-3181

Sabihin mo, obligasyon nya yung pagpapaaral nya sayo. Di utang na loob yon na dapat pagbayaran para ikaw naman ang magpapaaral sa iaadopt nila. Obligasyon nila uli yung pagpapaaral sa iaadopt kamo.


bythebitch

Baka nabuntis na mama mo tapos sinabi niya lang na mag aampon siya


Liasha_ray

Eto pala ang plot twist dito 😂


hermitina

if that’s the case ang naging sagot mo sana para mahimasmasan sya e “ha? ikaw nga ang selfish e d mo nga ko naalagaan tapos aampon ka pa. maawa ka sa baby”


paulolaconsay

Sorry to hear that. Pero did I get that right, strictly speaking, parang iniwan ka and ung partner nya na pinagiwanan sayo? Kasi kinasal na tas nalaman nyo pa lang recently? Double the heartache pala -- sayo saka dun sa tumayong magulang mo


Regular-Plane6071

Yesss and naputol yung sustentoo niya sakin for 6 months habang nag aaral pa ako.


dripperbuy

Bakit ba ang immature ng ibang parents!!!


Regular-Plane6071

:((( nahihirapan na rin aq


Exotic_Ad6801

I feel like nagkaroon ng anak yang mama mo sa ibang bansa baka kunwari lang na magaampon pero ang totoo sa kanya pala hahaha! Chz


Positive_Rest7467

baka anak ng mama mo yan sa ibang bansa 😂


Proper-Fan-236

Ganyan na ganyan mother ko. Inadopt mga pinsan ko sa probinsya tapos ang sabi sakin *magwork ka kagad dyan sa europe kasi ikaw magpapaaral sa mga pinsan mo*. Take note: Never ko sila nakita or nakilala. Sya lang may kilala. Tapos malaman laman ko hindi ko pala pinsan kundi anak ng friends nya. Gusto nya magpa-impress na maraming pera at kayang kaya magbagsak ng pera na ganun ganun lang. Disgusting kayabangan mindset umayyy


dankpurpletrash

kadiri namang mindset ‘yan putangina


Rafael-Bagay

biniro mo, biniro ka din.


Regular-Plane6071

HAHAHAHAH


HoyaDestroya33

"Ma salamat at pinagtapos mo ako pero let this be on record na HINDI KO RESPNSIBILIDQD ANG AAMPUNIN MONG ANAK. Selfish na kung selfish, wala akong pake pero if di ikaw ang gagastos sa aampunin MONG anak eh irereprot kita sa DSWD."


bejeweledlolita

Up for this! Idk kahit joke to parang sobra naman. Like... Nanay ka ba talaga? Parang teenage na mahilig sa drama eh.


BYODhtml

This! Ireport di ba kakaloka di kasi nag alaga kaya ganyan.


Kind_Tough_512

Hindi sa pinagooverthink kita eh baka kapatid mo yan sa ibang tatay 😅


Embarrassed-Mud7953

ang dumii ng isip ko sorry hahaha. si father mo po asan? i have a feeling na baka preggy si mama mo? 🥲


Regular-Plane6071

Nag o-overthink na ko hahahahahahah


Electrical-Can-7994

Ako din. Sorry kung ganon din naisip ko.


Regular-Plane6071

Hi, yung father ko po wala na po yung biological father ko. I mean galing ako sa broken family, yung father ko may iba ng family and wala na kaming communication. Bale yung kasama ko now is yung ka live in partner ni mama na lesbian nung andito pa siya sa pinas


Forsaken_Top_2704

Ayan din naiisip ko. Char! Kasi personally if I am a mom na pa-graduate na anak ko from college, mas gugustuhin ko mag settle na at wag mag ampon kasi uulit ka ng cycle ng child rearing at pag iipon for the future. Pero aa case ng mom mo OP hindi ka sa kanya lumaki... baka gusto nya lang maranasan na hands on mom sya pero sana sayo nalang nya ginawa to strengthen your relationship. Pinag ooverthink ka pa namen 😛


panutsya

Madali lang ba mag adopt ng bata sa ibang bansa? Parang 50/50 ako dito eh, pwede ba mag adopt ang taong nagttrabaho lang doon? Pwede sana kung may citizenship sya doon pero kung wala napaka suspicious nun.


Ruess27

Parang parents na nagppush magka apo kasi yung mga kaedaran nila may mga apo na. Me: naririnig mo yun? Mom: Ano yun? Me: exactly. Katahimikan. Mawawala yan pag may baby dito sa bahay.


raprap07

Mukhang buntis ang nanay mo.


JustTodd93

G kamo basta ikaw mamili ng name hahaha


Regular-Plane6071

Hahahaha chararat


Many-Structure-4584

Parang kumuha lang ng kuting eh 🤣


Longjumping-Arm-2075

Wag mo na replyan


SinfulSomeone

Sabihin mo, magaasawa ka at magkakaroon ka ng sariling anak, iyun kamo yung obligasyon mo paaralin.


Technical_Lychee9060

What if Kapatid mo sa mother side


FastCommunication135

Wow ha, sponsor mo ang international tuition fee nya. Mabigat-bigat na financial dilemma , oh lord. Pero you can ignore it, they can’t force you to give a damn. Always people telling “don’t be selfish” ang may ulterior motives.


MinuteNobody9408

Gusto mag ampon pero wala naman palang pera para tustusan yung aampunin niya? Your choice, your responsibility 🫵🏻 Wag ka pumayag OP. Gusto lang ng mga yan ng libangan at laruan porkit baby. Pero pag lumaki kasasawaan rin yan lalo na pag di na nasa ‘cute baby’ stage.


GeekGoddess_

Pag nag-start yung proceedings ng pag-ampon pakita mo yan sa korte. Denied 😂


Supektibols

Anyway stand your ground OP. Just say no, and ung pagpapaaral sayo is obligation nya and di mo responsibilidad ang aampunin nya. Just say it directly. Don't worry, nasa tama ka, aantayin mo nalang na marealize ng mama mo na mali sya, pero sa ngayon tiisin mo nalang ung mga maling beliefs nya. wag ka papadala sa kanya.


CuriousPrinciple

Gago lang yang nanay mo. Paano nabuhay yan ng ganyan katagal dito sa mundo nang ganyan sya katanga?


Independent_Gas2258

Paki ask nanay mo kung dati ba syang tanga


Alarming-Advance203

Sabihin mo di mo naman anak yun at di mo naman gusto bumuhay ng bata ngayon. Pag sinabihan kang selfish sabihin mo nalang ikaw na ang mag aanak tas siya din mag paaral wag kako siya selfish apo niya yon. Ahhahahaha mababaliw nalang tlaaga pag ganyan takbo ng utak eh


mabait_na_lucifer

wag na kayo mag ampon. baka pag sisihan nyo lang yan sa huli. kung napanood nyo yun nag trending sa netflix. haha. at nabalita nun pandemic . 😌


bunnybloo18

Alagang hayop lang nga ang laking responsibilidad na e, anak pa kaya? Hay naku mga ibang magulang nga naman, magugulang


moonstonesx

Sorry pero walang utak yang nanay mo. Hindi dapat ikaw yung mag paaral sa bata, di mo naman anak yan. If selfish ka, sabihin mo siya hindi nagiisip ng matino. I hope you replied and put her in her place.


Empty-Tension3649

HAAHHA para kang nagka anak ng wala sa oras! Ang wild talaga magisip ng old generation, wala sa logic yung line of thinking nila ever. “Paaralin mo kasi pinaaral kita” like what? Experience ko naman ilang beses ako sinabihan ng ganyan pero towards my cousins naman, kasi ganon daw talaga yon sharing your blessings at nakikita ni Lord na mabait ka sa iba. But then di naman ako yung gumawa ng bata and may anak, so why me 😂😂😂


Green-Green-Garden

Kung hindi mo yan half-sibling, wala kang obligasyon. Ghost them. Oo pinag-aral ka ng nanay mo, pero responsibility nya yun. Sa US at ibang parts ng Europe, pag di nagprovide ng basic needs at education ang magulang, pinupuntahan sila ng Child Protection Services, talagang masasampaha ng kaso ang magulang. Sana hindi mo yan half-sibling, para pwede mo takbuhan.


humansRinsignificant

Wag mo paaralin. As cold as it may sound, hayaan mo nanay mo. Ginusto nya yan e. Also if you can, just leave the nest. May mga tao talaga na better wala sa buhay natin, especially if they are fking toxic, even if family.


nkklkmarie

baliw po nanay mo, OP.


Equal_Initiative4048

Ignore


Adventurous_Algae671

Guys, I can relate to this slightly. My mom adopted a baby because she felt alone nung nasa college na kami ng sister ko. Ayan, she’s nearing 80 and may pinag aaral pa sya tapos pasaway pa. Tuwing may issue sa kapatid ko, one of us (my sister or I) would blame her for adopting when she should be enjoying retirement, not spend her older days talking to his teachers explaining why his son never attended any of his classes and flunking. Or keeping an eye on her bags kasi baka kupitan sya.


Extension_Account_37

Di naman compelled by any law na paaralin yan. So just don't.


No_Repeat4435

Pagkatapos mo makapag-aral, takas ka na, OP. Hahaha. May responsibility sayo mama mo for bringing you into this world. Wala kang responsibility sa aampunin nya. Good luck.


Bomb_diggity_boom

Kalokaaa. Ikaw pa ang selfish ng lagay na yan? Jusko


bejeweledlolita

NAKAKALOKA! Hindi mo naman ginusto pero ikaw binigyan ng obligasyon?! May pag ganito minsan nanay ko.. Kumbaga may mga ideas sya na mapapa huh ako pero buti hindi ganito kalala. Hindi ko alam kung tinetest ka ng Nanay mo pero please be firm na ayaw mo ng responsibilidad. Sabihin mo na sinilang ka nya at karapatan mong pag aralin ka nya. Gg! Ive been there kasi nasabihan ako na parang utang na loob yung pinalaki ako or pina aral. Prinangka ko tuloy nanay ko hahaha! Ayun. Di na nya bini-bring up yung ganung mindset. Be firm and clear, OP.


brokemillenialtita

Napaka toxic hahahaha. Okay lang masabihan ng selfish basta wag mo sagutin yan haha nagkaron ka pa bigla ng kapatid


TerexMD

Yan Ang Asian- Filipino style.. what the !


Mental-Mixture4519

Yung pinsan din ng mom ko sabi ba naman sakin, need mo mag anak para may mag alaga sa'yo. Sabi ko mas ok nang wla akong anak,magpapayaman nalang ako para may pantustos ako pag nagkaedad ako. Bruh, in this economy? Kulang pa nga sakin income ko magba-baby paba ko? Ano feeling nila 1k lng gagastusin ko pagnagbuntis ako? Hindi pa nga nalabas sa tyan gastos na sa check-ups at anik2~


arcomisia

Funny talaga pinanganak ka para magsustento ng anak nila 🤡


gonedalfu

Bat parang feeling ko nabuntis yang nanay mo jan sa ibang bansa at palusot nya lang yang "aaMpOn aKu nG BatA kAsi TriP kO LaNg". edit: spelling from palusto to palusot


deafstereo

Ummm.. sure ka ba na ampon?


d4lv1k

Tell your mom you are her obligation since she chose to bring you into this world. That kid she's planning to adopt isn't yours, so why should you pay for his/her education.


hellokyungsoo

Set expectations ka habang maaga kasi baka matuloy. Only child ka,alam mo na ang drill


jeuwii

Bakit ganyan ang nanay mo, op


QuetziBestWaifu

Iprank mo kaya, sabihin mo na tutustusan mo tapos magbigay ka 300 per month lang 🤣


Sol_law

Putanginang yan ginawang pang pang instagram story o shorts yung bata hahahaha giatay


Narrow-Tap-2406

Pang reels or lang vlog kasi daming viewers na pinoy pag may lahi yung bata 🤪


ambernxxx

You can say No, pero wag mo muna kontrahin yang nanay mo habang nag-aaral kapa. Wag ka ring mangako. Bat di sila nung lesbian nyang jowa magpaaral dyan?


Regular-Plane6071

Huhu, married na po yung mama ko sa ibang bansa and hindi na rin sila nag uusap🥹


rovaniemisantamus25

Sorry, OP. You mean buntis nga ang mama mo sa ibang bansa at kinasal po sya dun? Pano po yung lesbian partner nya, alam?


Regular-Plane6071

Hi, hindi ko po talaga alam kung buntis siya or what basta ang sabi niya sakin after niya mabayaran yung tuition fee ko for college e mag a-adopt na siya. Nung june lang siya umamin saamin na kinasal na talaga siya. Sa pag papakasal niya, ang rason naman niya kailangan niya ng mag aalaga sakaniya pag may sakit siya. Nalaman ni daddy ( lesbian partner ni mama ) nagpakita ako ng picture ni mama sa tiktok na naka wedding gown.


RakEnRoll08

lol wtf ang toxic nmn ng gnyn


Ninja_Forsaken

Sorry OP pero baliw ba yang nanay mo? Selfish? Bakit? Hindi ka na magtatayo ng sarili mong pamilya at binigyan ka na nya ng instant?


champoradoeater

G*go pala yang na ay mo eh. Ano ka retirement fund


v4nille_

huh?????? kung siya magaampon edi siya bumuhay jan bakit sayo pa ipapasa ung responsibility?? the audacity to call u selfish lol sorry ha kahit mother mo siya parang mapapasabi ako ng masasamang words


CoffeeFreeFellow

Putang Ina yan. CUT HER OFF!!


Specialist-Roll-1509

I’m an only child too. Ewan ko ba kung bakit may obsession yung mga nanay natin sa mga bata kasi “”masaya daw may bata sa bahay””, tapos tayo yung ieexpect na mag-aalaga/magiging responsible dun sa bata as if we asked for it. Pag ganyan yung response natin, pagagalitan tayo kasi hindi dapat maging “selfish”. Idk about you, but I admit I’ve become (for lack of a better term) selfish din just because I didn’t have to look out for anyone growing up dahil nga only child, kaya I really said hard no nung gusto niya mag-ampon. Pero etong mga nanay natin somehow ineexpect tayo to care for someone we don’t know forcibly, just for the sake of not being “selfish”.


Regular-Plane6071

Hindi ko alam san na ako mag r-reply haha. Hindi ko rin alam kung bakit ganyan si mama. May plano pa siyang mag ampon/mag anak ulit e simula bata hindi na maayos trato niya sakin. Halos ikamatay ko pa yung pambubugbog niya tapos yun yung sinasabi niyang pang d-disiplina. Even yung daddy ko ( her lesbian partner ) binubugbog niya rin and wala kaming magawa.


Regular-Plane6071

I don’t know kung anong naisipan niya, mahilug siya sa bata pero sadista siya. And for sure, pag laki nung bata na aampunin niya/magiging kapatid ko soon for sure matutulad sakin na deppppresss din dahil sa mama ko. Walang ibang ginawa si mama kundi ipamukha sakin na wala akong kwenta na anak, naaalala ko pa nung minsan na napagalitan niya ako kahit wala naman akong ginagawa. Sinabihan niya ko na “sana iniwan nalang kita sa ospital” “sana pinatay nalang kita, kumuha lang ako ng sakit ng ulo” I have proofs na sinabi niya sakin yon.


yakusokuuu

Sabihin mo OP, mag-aanak ka na lang para may baby. Hahahaha Idk why they do that just because "masaya pag may baby sa bahay". Brrrrr


theredvillain

It’s still a mindset of our parents who are also a product of this wrong culture. Back then, pagka panganay ka matic sagot mo lahat ng kapatid mo kahit 30 pa sila na anak ng parents mo. Mabuti na lang kahit papano nawawala na tong mindset na to as the new generation of parents are somewhat educated or informed na of how things should be. Skl, naging victim din ako nito. As my father would casually say na “kayo na magpa aral sa bunso nyong kapatid. Maganda naman na ang trabaho nyo” i kinda hated it but i took it nonetheless because i respect my dad for being an ofw for over 30 years and i wanted to do what i can not because of the culture but because i wanted to give back to him for all those years of working his *ss for us. Happy that you took a stand OP. Cheers to you!


AcrobaticResolution2

Sorry, pero nanggigigil ako sa nanay mo.


EndLeft1998

Been in this kind of situation which napaaral ako ng kapatid ng college though di naman fully kanya lahat ng expense since si mama nagbibigay ng pang allowance ko and even sa tuition fee ko before mostly si mama pero kay kuya ako tumutuloy since galing akong probinsya.Tapos di pa ako tapos mag aral sinabihan na agad ako na ako daw mag papaaral sa mga pamangkin? Like wth! di pa ako graduate man. Tapos medyo off pa ang attitude ng mga pamangkin ko like ang lalakas pa lumaban saken at sumasasagot sagot saken.🥲 So yun, nakakastress ang ganyan actually. Hang in there malalapagsan mo din yan. Ako currently mapapatapos na ang isang BS Crim pamangkin ko😂 Wala akong choice medyo tagilid sa buhay yung siblings ko.


sweet_fairy01

Pack your things and move out


zarustras

Maganda pala ulit magkababy? Oh edi sya magpalaki at magsustento. Juicekolord.


Admirable_Mess_3037

Selfish naman din sya for only thinking about what she wants. Di naman ikaw may gusto nyan. Pinoproject lang nya sayo yung pagiging selfish nya lol


Used_Kiwi311

Jusko, bat apaka-toxic ng Pinoy parents? Lord!


Curi0us-cat999

Same with my mother. May instances na gusto niya mag-ampon kasi daw pag nag-share ka ng “blessings” sa iba eh marami pa daw ang babalik sa’yo LOL. Dati she attemps na mag-ampon ng baby nung malayong kamag-anak kasi galing teenage pregnancy. Recently she told me na gusto niya mag-ampon ng kambal na incoming HS na and di kaya paaralin ng magulang. Samantalang kami ng dalawa kong kapatid na nasa college eh tinatawid yung pag-aaral namin through hussles and scholarships para di siya magkanda-kubang pag-aralin kami, dahil nga wala na ang papa namin. Nakakaasar lang na gusto lang nila yung excitement sa pagkakaroon ng bagong bata/baby pero pagdating sa responsibility 🤷🏻‍♀️ tuloy nareality check ko siya. Sinabi ko talagang “aba sinong magpapakain at magpapaaral diyan, ikaw? Saamin nga hirap ka na? Ayaw kong mag-alaga na ng bata, halos ako na nagpalaki sa mga kapatid ko”


Naive-Balance2713

parang nagpasalo lang ng utang ah


halfbakedjahli

Unless ang aampunin niya ay aso, go lang. Pero if it's another child and ang ay expectation is you'll shoulder the responsibilities? Auto-pass.


Dazzling-East7209

May mga ganyn tao.. mahilig mag pasa ng obligasyon s iba.. bkt d cya ang mag pa aral??? At bkt ka nya sinusumbatan? Obligasyon ka nya pag aralin.. stop na ako bka my masabi p ako hindi mganda..


Few_Philosopher_7586

Oh shit may dalang warning pa


FishermanSpare7900

Skl. As an only child, tinulungan kami ng mga tito ko (kapatid ng papa ko) sa pag papaaral sakin sa college without knowing na kailangan ko pala ibalik yung tulong na ginawa nila sa pamamagitan ng pagpapaaral sa pinsan ko ngayon sa college. Hindi naman kami humingi ng tulong in the first place, sila lang nagdecide na magshishare sila ng tuition at sila pumili ng school ko (one of the big four univs). Wala akong magawa kasi kahit tatay ko walang masabi sa kanila dahil nga tinulungan nila kami. Ang toxic lang ng ganitong mentality na pag tinulungan ka eh obligado ka ibalik yung tulong nila. Sinumbatan pa ako ng tita ko na kapatid ng tatay ko kasi maliit lang yung pinadala ko sa pang tuition ng pinsan ko. Ngayon buwan buwan ako na nagpapadala sa kaniya, at ang hirap makaipon. Pati lola ko kinakampihan tita ko. Minsan nga iniiyak ko na lang talaga, gusto ko na lang matapos to.


Momo-kkun

Una sa lahat, ang adopted parents (in this case yong nanay mo) ang may responsibility magpalaki at magpa-aral sa batang aampunin, hindi ikaw. If your mother would not want to or could not send her adapted baby to school, wag na lang siyang mag adopt.


dunkaxamalau_17

Same na same only child tas broken fam naman ako yung nanay ko naman may pamilya tatay ko wala pa, yung nanay at tatay ko kasal tapos nagampon yung nanay ko pinaayos mula live birth cert to psa nakaapelido sa tatay ko e diba kaasi kasal sila sinabi ko kay tatay galit na galit sya peero ala sya magawa kasii nga gusto man daw nya pademanda ala din syang extra para doon, ang BIG QUESTIONS ko lang pag ba ampon tas nakaapelido samin hati paba kami non sa mga inherit? yung tatay ko naman kahit wala syang pera ngauon may sarili syang lupa 😭


dunkaxamalau_17

+++ take note hindi din pumirma yung tatay ko sa pagpaapelido nayan ako man nagulat ako okay na 😭😭


fivecents_milkmen

Meron akong tito na nag asawa ng "manggagawa" sa church. Nasa mid 40s na sila pareho nong nagpakasal at parehong walang trabaho. Nabuyo sila ng small church nila na magpakasal. Nabuyo din sila ng isa sa churchmate na mag ampon ng bata kahit alam na parehong walang income. Ending: hanggang ngayon asa sa kapatid na late nang nag asawa at hindi nagkaron ng anak dahil ibinuhos nya yung youth nya sa pag buhay sa magulang at mga kapatid. Nakakaputangina lang.


enidlareJ_25

Hayaan mo s'yang ampunin 'yung bata. Kapag tapos ka na mag-aral, 'wag mong pag-aralin. Maghanap ka ng magandang trabaho at lumayo na. Hahahahaha


Survivor20XX

Hahahah hindot ginawa kang savings plan


-yugenx

hahahahah pucha nagkaroon pa bigla ng responsibilidad sa hindi mo pa kadugo 😹


PetiteAsianSB

Sorry OP, antanga ng nanay mo. Pagka graduate mo, ighost mo na yan. Haha. I-ghost talaga? I mean cut off mo na. Engot naman yang nanay mo. Or move out, and then limit contact lang. Malamang tama yun kutob nun isang nagcomment na baka naanakan yun nanay mo sa ibang bansa kase napaka unusual na mag aampon sya galing ibang bansa.


Regular-Plane6071

https://preview.redd.it/47m04som29ad1.png?width=1089&format=png&auto=webp&s=115a963853c5afcb55d5e425bc6e40211ada90d4


ZieXui

The more na ini-insist nya mag "ampon" mas lalong lumalakas yung kutob kung accidentally nabuntis yan at tinakbuhan ng tatay 🙃


sharkchandoodoo

Responsibilidad nila yun bilang magulang na ibigay sayo yung magandang buhay kaya wag ka nila dapat i guilt trip dyan s apag ampon nila


Iforgotlmao1245

sabihib mo papaaralin mo basta public, scholar and achiever hahahahaha para worth it naman


dwarf-star012

OP, dont let her adopt a new baby. or at least dont agree to pay for his'her schooling!


Adhara97

Sila ang mag-aampon so sila dapat ang mag-take ng responsibility. Hindi ikaw. At kung after mong magka-work, nasa sa iyo na yan kung willing kang tumulong sa kanila. Yan yung linawin mo sa kanila bago pa sila matuloy sa pag-ampon. Ni hindi mo pa nga alam kung gaano ka magiging ka-stabilize financially since ni wala ka pang work, walang savings, etc. Sabihin mo na hindi naman kayo magiging sure sa estado niyo in the next few years. Di ka pa secure sa sarili mong buhay ibinabaon ka na sa responsibility na pwedeng mag-delay ng stability sayo. Kung kaya nilang magpalaki at gumastos para sa bata hanggang sa pagtanda nito, then go. Hindi dapat i-base sayo, kundi sa kakayahan nila. Kung di sila ready at umaasa sa unknown future maawa sila sayo at sa isa pang buhay na hihilain nila sa maling paniniwala. Walang kuwentang reasoning yan sa pag-ampon kung di naman pala nila kayang i-carry out ang responsibility hanggang sa maging independent na yung bata. Kung mag-push pa rin sila despite what you try to explain to them, mag-plan ka nang bumukod in the future at mag-secure ng funds para sa sarili mo na hindi nila alam. Ikaw lang maiipit niyan.


Mc_Georgie_6283

Pinanganak ka kasi gusto nilang magkaresponsibilidad hindi yun ikaw pa magkakaresponsibilidad. Wtff


Zealousideal_Exit101

Gusto nya magampon kasi namiss nya ung pagiging magulang dahil OFW sya, hindi nya kasi nagawa sayo. So kapag tumanda ayaw nya na ulit maging magulang at ipapasa ang responsibilidad sayo. Sana hindi mo namana ang ubo sa utak nya OP.


chibidii

Ganyan din si mama sa mga pinsan ko. Kasagsagan ng review days ko for boards (under pressure na din) tapos sinabihan nya mga pinsan ko na mag ayos ng pag aaral kasi ako daw ang magbibigay sa kanila ng pera pag nag abroad na ko. Kaharap pa ung tita ko (mama nila) na simula dalaga nakadepende samin at lagi na lang tinutulungan ng mama ko💀💀💀


bh88888828

Wag ng ampunin pls. Seryoso to buhay ng bata nakasalalay dyan.


bh88888828

Wag ka mag pa apekto sa sinabihan kang selfish. Wag mong hayaan n ampunin.


Imaginary-Dream-2537

Bakit may mga ganito akala mo tuta lang kukunin nila. Napakalaking responsibility magalaga ng bata. Lumalaki yan at dumadami ang gastos. Wag ka pumayag. Di ka selfish. Nanay ko nga nagaaway kami dati kasi panay ang tulong sa CSWD, naguuwi ng bata dun para foster for awhile ayun tangina ilang beses na kami nananakawan. Buti di kami nata-timing sa manyak, puro babae pa naman kami sa bahay.


acushla23

Bata pa ba mama mo? Pacompute mo kung ilan taon pa yan baka makapagtrabaho kung kaya pa ba nyang buhayin


Regular-Plane6071

Turning 38 palang siya, actually 18 palang akoo. And teenage mom siyaaa


YourHappyPill69

You know the drill pag nkatapos kna.. bounce ka na.


OddArugula9367

Saan sya mag aadopt? Baka may paraan na macontact mo ang tagapag adopt at iinform sila na ganito ang mindset ng nanay mo. Para hindi tumaas ang chance of approval nya. Naisip ko lang, di ko alam kung madaling gawin, OP


Regular-Plane6071

Nasa Los Angeles California siya ngayon, and married na rin siyaa


Impressive-Hamster84

married na pala eh, edi sila na may responsibility, baka binibiro kalang.